
Ang sapin-sapin ay isa sa mga masasarap na kakaning Pinoy na gawa sa giniling na malagkit. Mula noong bata pa ako ay paborito ko na ito, gusto kong maging perfect ang sapin-sapin kapag gumawa ako kaya kahit may idea na ako paano ang paggawa di ko pa rin sinubukan at gusto ko talagang masaksihan ng aking dalawang mata kung paano ito gawin at tamang tama naman dahil birthday ng mahal naming bata na si Niel, gumawa ang kaibigan kong si Melissa...